Categories: COVID-19

LATEST UPDATE on Swabbing Stations for Returning Overseas Filipinos

As of October 24, 2020 at 1:00PM Philippine time, the Philippine Coast Guard has published an update regarding the Swabbing station for returning Overseas Filipinos. Read the content of the update below:

UPDATE AS OF 24 OCTOBER 2020 (1:00PM)

Para sa mga overseas Filipino na naka-schedule umuwi ng bansa simula ngayong araw, ika-24 ng Oktubre 2020, narito po ang SWABBING STATIONS na maaari ninyong pagpilian sa One-Stop Shop (OSS) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

OPTION #1 — Ayon po sa OSS, ang serbisyo ng PRIVATE LABORATORIES ay para lamang po sa mga non-OFW. Php 4,500 po ang halaga ng swab test na makapagbibigay ng resulta ng hindi tatagal ng kalahating araw o 12 na oras.

OPTION #2 — Ang serbisyo po ng PHILIPPINE RED CROSS na makapagbibigay ng resulta sa loob ng isa hanggang dalawang araw ay nagkakahalaga ng Php 3,500.

Bisitahin ang link na ito para makapag-book ng swab test sa Philippine Red Cross online: https://go.pnrc.ph/arrival-booking



OPTION #3 — FREE OF CHARGE po ang swab test ng GOVERNMENT LABORATORIES para sa mga OFW. Dahil po sa patuloy na pagbuti ng sistema sa mga nakalipas na araw, asahan po natin na makakatanggap tayo ng resulta sa loob ng dalawa hanggang apat na araw matapos ang swab sample collection. Sakop po ng waiting time na ito ang buong proseso mula encoding hanggang online issuance ng swab test result / quarantine clearance mula sa Bureau of Quarantine.

MAHALAGANG PAALALA: Nais po naming linawin na ito po ang pinakahuling update na natanggap natin muna sa OSS at MAAASAHAN PO ITO NG ATING MGA KABABAYAN NA PAUWI PA LAMANG NG BANSA SIMULA NGAYONG ARAW, IKA-24 NG OKTUBRE 2020.

Para po sa mga kababayan natin na umuwi ng bansa noong ika-15 hanggang ika-23 ng Oktubre 2020 na sumailalim sa libreng swab test, ang BUREAU OF QUARANTINE (BOQ) po ang magpapadala ng inyong SWAB TEST RESULT / QUARANTINE CLEARANCE gamit ang E-MAIL ADDRESS na ni-rehistro ninyo sa quarantinecertificate.com.



Pinapaalalahanan rin po natin ang mga overseas Filipino na SIGURUHING TAMA AT KUMPLETO ang bawat detalyeng inilalagay sa registration form bago ang swab sample collection para makaiwas sa posibleng ‘delay’ dulot ng mali o kulang na impormasyon.

Maraming salamat po!

Share
Published by
Juan in Oman

Recent Posts

New Rule in Oman: End-of-Service gratuity for Domestic Workers (Ministerial Decision No. 574/2025)

Domestic workers in Oman such as housemaids, nannies, drivers, and caregivers—are set to benefit from…

1 month ago

Big Changes in Oman: New Laws Safeguard Domestic Worker Rights

The Ministry of Labour in Oman has announced a major new regulation aimed at protecting…

1 month ago

Cost of Living for OFWs in Oman: A Practical Guide

Working abroad is a big step, and one of the most important things to know…

3 months ago

OWWA Receives Over 30,000 Scholarship Applications for Academic Year 2025–2026

The Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) has announced the total number of applicants for its…

4 months ago

PH Ambassador Signs Deal with Oman Hospital to Improve Healthcare for OFW in Oman

The Philippine Ambassador to Oman, H.E. Raul S. Hernandez, has signed a healthcare agreement with…

4 months ago

Balancing Work and Social Media: 5 Time Management Tips for OFW Domestic Helpers

Social media helps OFWs stay connected with loved ones, share life updates, and find comfort…

4 months ago